Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng 112 na panibagong kaso ang ating lalawigan, 52 naman ang gumaling mula sa virus, at 2 ang nasawi.

Kung mapapansin ay nabawasan ng isa (1) ang recovered cases ng bayang ng Maddela dahil ayon sa PHO, ang nasabing kaso ay reinfected ng virus.

Sa kabuuang bilang, 4,293 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 515 dito ang ACTIVE CASES, 3,647 naman ang RECOVERED CASES at 131 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

(courtesy: Provincial Health Office)