Naitala kahapon, September 21, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,295 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,792 na gumaling at 52 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.64% (12,211) ang aktibong kaso, 85.31% (82,156) na ang gumaling, at 2.98% (2,891) ang namatay.