Naitala kamakalawa, September 22, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,454 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,140 na gumaling at 46 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.74% (11,479) ang aktibong kaso, 85.21% (83,296) na ang gumaling, at 3% (2,937) ang namatay.