Patuloy ang pagbaba ng COVID cases sa CHO-1, Ilagan City.

Nakapagtala ang CHO-1 ng  bagong kaso ngayong araw ika-12 ng Hulyo taong kasalukuyan. 

Ayon kay Michael L. Crisologo, assistant City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) officer ng CHO-1, ang patuloy na pagbaba ng covid active cases sa naturang lugar ay dahil umano sa kanilang pagsunod sa Safety Preventive Measures. Kabilang dito ang pagkakaroon ng check-point area o Barangay Health and Response Team (BHRT) at Barangay Isolation Unit (BIU) bawat barangay.

Mayroon ding Lab Molecular sa lungsod na nakaka tulong sa mas mabilis na paraan sa pag track ng covid patients. Mayroon ding libreng gamot na binibigay ang Ilagan City sa mga covid patients. Ito ay naka depende sa estado ng pasyente.

Dagdag ni Crisologo, huwag magpakampante ang mga Ilageño sa pagbaba ng COVID cases sa lugar. Aniya, kailangan pa ding sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang hawaan. 

Samantala, ang vaccine coverage sa siyudad ng Ilagan ay umabot na ng 103.99% para sa unang dose at 99.33% naman para sa second dose. Base sa papulasyon ng siyudad na 126,514 katao, nakamit na ng siyudad ang 99.33%. #