Larawan kuha ng SDO-DRRM Coordinators

Ulat ng BH Team

Dahil sa pag-uulan, nabaha ang bahagi ng school grounds ng San Vicente Elementary School sa Gattaran,Cagayan at ang Mabanguc Elementary School sa Aparri, Cagayan.

Walang puknat at sobrang lakas ng ulan kaya pinatila muna ang ulan bago pinauwi sa kani-kanilang mga bahay ang mga mag-aaral. Agad namang iniakyat ng mga guro ang mga kagamitan sa mas mataas na bahagi ng silid-aralan upang maiwasan na mabasa kapag pasukin ng tubig-baha ang loob ng mga kuwarto.#