Courtesy: PNP-Solano, Nueva Vizcaya

Patay ang dalawang lalake habang sugatan naman ang isa pa matapos madisgrasya ang kanilang sinasakyang Elf sa national road ng Bangar, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, patungong hilagang direksyon ang elf nang mawalan ng control sa manibela ang driver na naging dahilan upang sumampa ito sa northbound shoulder ng kalsada at bumangga sa isang puno ng G-Melina bago ito tuluyang tumaob.

Dahil dito, naipit sa loob ng elf ang driver at dalawang pasahero na kasama nito na mga laborer at parehong taga-Abian, Bambang, Nueva Vizcaya

Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawang pasahero habang sugatan naman ang driver at kasalukuyang nagpapagaling.#