Kalaboso ang dalawang babae sa bisa ng warrant of arrest sa isang kaso ng Syndicated Estafa sa Cabalza Street, Barangay Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang Top Most Wanted Person sa Rehiyon na numero 8 ay si “Rachelle”, na 31 anyos at residente ng lugar; at ang Top Most Wanted Person sa Rehiyon na numero 10 ay si “Cecil”, na 40 anyos, at aktibong miyembro ng PNP.
Ang mga akusadong ito ay nauugnay sa benta slot paluwagan, na kilala rin bilang “turns turns.” Ang Benta Slot Paluwagan ay pinamamahalaan nina Isabel Quizzagan Articulo at Virgilio M. Articulo, JR. Habang sina Pauline Quizzagan Mabbun, Christine Joy Quilang Quilang, at Mariel Quizzagan Quizzagan ay nagtatago sa batas at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Ang modus operandi ng mga suspek ay nagpapatakbo at nangongolekta ng pera mula sa mga nahikayat na mamimili sa pamamagitan ng pagpapapanggap na sila ay nagtatrabaho sa isang lehitimong negosyo.
Ang mga biktima ng scam na ito ay papangakuan ng mataas na pay-out, o return of investments na 50% hanggang 200% ng return of investment bawat buwan depende sa mga slot na kanilang nabili sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook at personal meet-up sa kanilang tirahan.
Ang operasyon ng manhunt ay isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 2 at mga opisyal ng pulisya ng rehiyon 2.#