Patay ang dalawang babae makaraang mabangga sa nakaparadang trailer truck sa national road sa Purok 6, Brgy Tuao, North, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Wala nang buhay ang dalawang babae nang madala sa pagamutan na kinilala lamang ng kapulisan na Len-len, 28 anyos, at ang backrider na si Bendita, 33 anyos, ng Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya.
Sumuko ang drayber ng trailer truck na si AJ, 53 anyos ng Atulayan Norte, Tuguegarao City.
Nakaparke ang trailer truck sa madilim na bahagi ng gilid ng kalsada at di ito napansin ng dalawang babae na mabilis rin ang takbo.
Sinita rin daw ang drayber at kasama nito na kainuman sa gilid ng kalsada kaya pumagilid sila.
Nagkaayos naman ang magkabilang panig at magbabayad na lamang ng danyos ang kumpanya sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.#