Home News Dalawang katao, tumakas matapos ang ilegal na pamumutol ng kahoy

Dalawang katao, tumakas matapos ang ilegal na pamumutol ng kahoy

0
114
Courtesy: PNP Baggao

Ulat ni GIDEON VISAYA

TUGUEGARAO CITY-Nakalusot sa mga awtoridad ang dalawang lalaking mabilis na tumakas matapos maaktuhang iligal na namumutol ng kahoy sa mabundok na bahagi ng Bunagan, Baggao, Cagayan.

Ayon sa PNP Baggao, habang nagsasagawa ng anti-illegal logging operation, nakarinig sila ng ingay mula sa chainsaw sa kagubatan.

Nang lapitan, nakita ng kapulisan ang mga suspek na kinilalang sina Alyas Lito at Alyas Didoy na kapwa residente rin sa lugar. Mabilis umanong kumaripas ng takbo ang mga suspek nang lapitan ang mga ito.

Nabatid pa na wala ring nakitang kaukulang dokumento ang iniwang chainsaw ng mga suspek maging ang mga pinutol na kahoy ng Kalantas.

Batay sa imbentaryo, ang mga narekober na troso ay tinatayang aabot sa 216 board feet at nagkakahalaga ng P15,120.

Isasampa naman sa pamamagitan ng regular filing ang kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 705 o Forestry Reform Code of the Philippines laban sa mga tumakas na suspek.#