Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Arestado ang dalawang suspek ng pagnanakaw ng isang motorsiklo sa isinagawang follow-up operation kahapon, ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, naaresto si alyas John, residente ng Brgy. Cataggaman Viejo, Tugegarao City, isa sa mga tumangay sa motorsiklo sa isinagawang follow-up operation sa Carig Sur, Tuguegarao City. Nakilala umano si alyas john ng mga kapulisan sa pagsusuri sa mga nakuhang CCTV footages sa lugar kung saan ninakaw ang motorsiklo.
Habang si Alyas Ed, 30-anyos at residente ng Brgy. Atulayan Sur, Tuguegarao City ay naaresto sa isinagawang hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Highway Patrol Team at Baggao Police Station sa Zone 1, Bitag Grande, Baggao, Cagayan.
Narekober kay Alyas Ed ang motorsiklo na ninakaw ng mga suspek na isang Suzuki Raider 150 na may plakang B103FC kasama ang susi nito, isang Redmi touch screen celfon, isang improvised flat screw, tatlong spray paint, isang white helmet, isang pares ng motorcycle gloves, dalawang side mirrors, at motorcycle back bracket.
Matatandaan na ninakaw umano ng dalawang suspek ang nasabing motorsiklo na pagmamay-ari ng isang security guard sa tapat ng TNC Building Centro 2, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang dalawang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016.”
Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Christopher C Birung, Regional Director ang mga kapulisan para sa agarang pag aksyon na nagresulta ng pagkakadakip ng mga nasabing suspek. “Ito ay magsisilbing babala sa mga nagnanais gumawa o gagawa ng krimen o kaguluhan na hindi titigil ang inyong mga kapulisan na ipatupad ang batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating nasasakupan,” dagdag pa ng punong direktor.
PNP PRO2 Press Release
Photo Courtesy: PNP Region 2