Photos Courtesy: PNP-Region 2

Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City – Arestado ang dalawang tulak ng droga kabilang ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation sa Hernandez Compound, Purok-4, Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rex Cabanilla, 43 anyos at Andrei Beneza , 40 anyos, kapwa mga residente ng Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya. Nakumpiska sa pag-iingat ni Cabanilla ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, isang phone, isang flashdrive, pitong Identification Cards, isang libong pisong buy-bust money at isang motorsiklo.

Samantala, nakumpiskahan naman si Beneza ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu, isandaang piso at isang cellphone.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bambang Police Station at nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #