Hinuli ng mga kasapi ng awtoridad sa Dili, Timor-Leste si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kagabi ng Martes ng gabi, Mayo 27, 2025.
Inamin ito ng anak na si Axl Teves, matapos nitong i-upload sa kanyang social media account ang sapilitang pag-aresto sa kanyang ama ng mga immigration officer mula sa kanilang bahay.
Giit ng batang Teves, wala umanong warrant of arrest o iba pang dokumentong ipinakita ang mga otoridad bago ang pag-aresto.
Matatandaang nahaharap si Teves sa kasong murder, frustrated murder, at attempted murder dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na indibidwal na tinaguriang Pamplona Massacre noong Marso 4, 2023.
Ayon sa imbestigasyon, siya ang utak o ‘mastermind’ sa nasabing krimen nguni’t mariing pinabulaanan naman ito ni Teves at iginiit na siya ay biktima ng political prosecution.#