Pormal nang nanumpa bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya si dating bise gobernador Jose “Tam-an” Tomas, Sr. Pinangunahan ni MTC Solano Judge Francisco O. Pilpil ang Panunumpa sa Katungkulan (Oath of Office) ni Board Member Tomas sa tanggapan ng una sa Solano, Nueva Vizcaya.
Sinaksihan ang naturang oathtaking ng mga kapamilya at kaanak ni Board Member Tomas; Board Member Atty. Edu Balgos; at Atty. Edna A. Baguidudol.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Appointment ni Board Member Tomas bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan lamang.
Ang appointment ni G. Tomas bilang miyembro ng SP ay alinsunod sa rule of succession sa ilalim ng Local Government Code (RA 7160). Bilang kinatawan ng LAKAS-CMD dito sa Nueva Vizcaya, inendorso ni Cong. Luisa “Banti” Cuaresma ang membership ni BM Tomas sa partido.(Ulat mula sa tanggapan ni BM Jose Tomas Sr.