Photo taken by: BH Team

By: Gideon Visaya

Pagkakaroon ng death penalty ang nakikitang solusyon ng dating Ilocos Sur Governor at aspiring Senator na si Chavit Singson sa issue patungkol sa war on drugs sa Pilipinas sa naganap na pulong balitaan sa Santiago City.

Ayon kay Chavit, kung magkakaroon lamang ng death penalty ang Pilipinas para sa mga drug syndicate gaya ng sa ibang bansa, mas mapapabilis ang paghuli at pagpuksa sakanila.

Hindi rin umano sang-ayon si Chavit sa panghihimasok ng International Criminal Court o ICC sa bansa dahil mayroong Korte Suprema ang Pilipinas na siyang mag iimbestiga at hahatol sa mga mapapatunayang may sala.

Ipinakilala rin ni Chavit sa pagpupulong ang Vbank o Bangko ng masa na may layuning mapadali ang buhay ng mga mamamayan gamit ang digital banking.#