Courtesy: San Mateo LGU
Pormal nang binuksan ngayong araw ang San Mateo Dialysis Center sa bayan ng San Mateo, Isabela kamakalawa.
Inihayag ni Atty. Gregorio Pua, punongbayan ng pamahalaang bayan ng San Mateo, ang dialysis center ay libre at walang babayaran maski singko ang mga pasyente nito.
Ito ay kung ang mga pasyente raw sa naturang bayan ay miyembro ng Philhealth.
Katuwang ang LGU-San Mateo sa operasyon ng dialysis center.#