Patay on the spot ang isang dump truck driver makaraang pagbabarilin ng di-kilalang suspek sa bahagi ng kalsada sa Barangay Minante Dos, Cauayan City.
Kinilala ni Police Lt. Col. Ernesto Nebalasca Jr., Cauayan City police chief, ang biktima na si Ariel Lorenzo, nasa wastong gulang ng Villa Luna, Cauayan City.
Tumakas ang suspek na nakabull cap, nakadyaket ng itim at nakashorts ng puti matapos siyang pagbabarilin sa ulo at katawan.
Ayon sa pulisya, wala pa silang gabay sa pagkakakilanlan at motibo sa pamamaril dahil nagluluksa pa ang mga kaanak ng biktima.
Gayunman, tinututukan raw nila ang mga posibleng persons of interest at ang anggulong personal hinggil sa pamamaril.#