
OPISYAL na nahalal si Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng 20th Congress na may 253 boto mula sa mahigit 300-miyembrong kamara.
Dalawampu’t walo ang nag-abstain at apat ang hindi bumoto.
Sa kanyang talumpati, idineklara niya na “magbabago ang Kamara” sa gitna ng mga isyu ng flood control projects na bumabagabag sa mga kinatawan.
“I will not defend the guilty. I will not shield the corrupt,” dagdag niya.#