(Nailathala sa BALITANG HILAGA, Aug. 24 – 30, 2024 print edition)

SANG mabisang pamamaraan ang agaran na pag-alerto ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa mga miyembro nito na magmonitor sa mga nasasakupang lugar dahil sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket na inilunsad ng China kamakalawa.

Ayon sa CVDRRMC, batay sa inilabas na abiso ng Philippine Space Agency (PhilSA) nagpalipad ng Long March 7A space rocket ang Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China kagabi.

Posible umanong babagsak ang debris sa layong 38 nautical miles ng hilagang kanluran ng Burgos, Ilocos Norte o 61 nautical miles West of Dalupiri Island.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, posible rin itong babagsak sa 66 nautical miles Silangang Hilagang Silangan ng Sta Ana o 82 nautical miles ng Silangang Timog Silangan ng Babuyan Island.

Kaugnay rito, inabisuhan ng CVDRRMC ang publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad sa oras na makakita ng hinihinalaang debris at huwag itong hawakan upang maiwasan ang anumang insidente.

Mabuti na ang laging handa kaysa gagalaw lamang kapag huli na.#