(Nailathala sa BALITANG HILAGA, April 19 – 25, 2025 print edition)

ANG pagpili ng susunod na Santo Papa ay hindi magiging isang madaling gawain dahil ang mga Katolikong kardinal ay magpupulong sa Mayo 7 upang simulan ang pagboto sa Sistine Chapel sa ilalim ng 16th-century ceiling frescoes ni Michelangelo, gaya ng inihayag kamakailan ng Vatican.

Iniulat ng Vatican na isang linggo lamang pagkatapos ng pagkamatay ni Pope Francis, ang mga tinaguriang “Princes of the Church” o ang mga Cardinals na wala pang 80 taong gulang ay magpupulong sa Sistine Chapel para pumili ng bagong pinuno ng relihiyon ng 1.4 bilyong Katoliko sa mundo.

Ito ay dalawang araw lamang matapos ang libing ni Francis, na namatay noong Abril 21 sa edad na 88. Umaabot lamang sa 135 lamang ang karapat-dapat na bumoto sa conclave kahit na 252 cardinals ang tinawag pabalik sa Roma.

Isasara ang Sistine Chapel. Nito lamang Linggo, humigit-kumulang 70,000 mga nagdadalamhati ang nasulyapan sa marmol na libingan ng papa sa Santa Maria Maggiore Basilica sa Roma.

Nangunguna sa listahan ang Italyano na si Cardinal Pietro Parolin, ang kalihim ng estado ng Vatican, at ang Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, ang Metropolitan Archbishop emeritus ng Maynila, para sa posisyon kasama si Cardinal Peter Turkson ng Ghana.

Para sa mapipili, ito raw ay isang pinunong maaaring magkaisa at magkaroon ng puso para sa sambayanan. Magdarasal tayo para sa pinakamahusay na mapipili para sa Romano Katoliko.#