(Nailathala ito sa June 22 – 28, 2024 print edition)
DAHIL napawalang-sala na si dating Sen. Leila de Lima sa hulíng drug case niyá matapos katigan ng isang korte sa Muntinlupa City ang kanyang mosyón na ibasura ang mga ebidensya laban sa kanya, isa itong matibay na ebidensya na inosente siya at gawa-gawa lamang ang mga kaso.
Napaganda pa ang resulta dahil sumabay ang pagpapalabás ng desisyón sa ikatlóng taón ng paggunitâ sa kamatayan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagtalagâ kay De Lima bilang kanyáng kalihim sa Department of Justice noong kanyang kapanahunan.
Agad ipinamalita ni Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, ang bahagì ng desisyón ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 sa kaniláng mosyón, tulad sa hinaráp niyáng Criminal Case No. 17-166 noong 2021.
Isinampá ang mosyón noóng Marso sa pagdiníg sa kaniláng petisyón na ibasura na ang hulí sa tatlong drug case ng senadora.
Noóng Mayo 2023, pinawaláng-sala ang dating senadora sa ikalawang drug case ng Muntinlupa RTC Branch 204.
Noong nakaraang Nobyembre namán nang payagan siyá ng korte na makapag-piyansa.
Sa hulíng kaso, inakusahán si De Lima ng pagkunsintí sa illegal drug trading sa loob ng New Bilibd Prison.
Dahil dito, tuluyan nang malaya si De Lima bagaman at nasira ang kanyang karera sa politika dahil sa pagkakakulong niya sa panahon ni dating Pangulong Duterte.
May panahon pa para bumalik siya sa serbisyo publiko.#