(Nailathala ito sa April 6 – 12, 2024 print edition)

ANG impluwensya ng isang makapangyarihang relihiyosong pigura ay unti-unting nababawasan habang ang mahabang kamay ng batas ng batas ay humahabol sa kanya.

Kamakailan lamang, natukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tao o grupong nagkakanlong kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, na ngayon ay pinaghahanap sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas at Estados Unidos.

Lumabas ang panibagong balita ito habang inilabas ang warrant of arrest para kay Quiboloy sa United States of America para sa pagsasabwatan na hinihinalang makisawsaw sa sex trafficking sa pamamagitan ng puwersa, pandaraya at pamimilit at sex trafficking ng mga bata; sex trafficking sa pamamagitan ng puwersa, gayundin ang pandaraya at pamimilit; pagsasabwatan; at cash smuggling.

Sa panig ni Quiboloy, mas makabubuti sana na sumurender na lamang siya at sagutin ang mga kaso at isyu.

Bukod sa mga kaso sa labas ng bansa, kinukubkob din si Quiboloy. Sa Pilipinas, mayroon ding mga kaso ng pang-aabuso sa mga dating miyembro nito at iba pa.

Sa magkahiwalay na dahilan, iniutos din ng Senado na hulihin dahil sa contempt ang nagpakilalang “anak ng Diyos” matapos itong ilang beses na hindi sumipot sa pagdinig hinggil sa mga alegasyon ng pagsasamantala, sekswal at pang-aabuso sa bata.

Hinahabol na rin ng Kamara de Representantes si Quiboloy dahil sa isyu ng prangkisa ng kanyang media network, ang Sonshine Media Network, Inc. na ngayon ay nagsasagawa ng online airing kasunod ng indefinite suspension ng mga operasyon nito.

Para sa pamunuan ng NBI, anumang pagtatangka na itago si Quiboloy ay may kaparusahan sa batas, dahil may utos ang korte na arestuhin siya at dalhin sa korte.

Walang sinuman ang higit sa batas. Maging ang mga pinuno ng relihiyon na maaaring may mga kriminal at sibil na paglabag.#