Ulat ng BH Team
Isang maliit na eroplano ang bumagsak sa isang lupain sa Purok 4, Sitio Corocan, Barangay Lipay-Dingin-Panibutan sa Iba, Zambales kahapon, July 11, ng umaga.
Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ligtas ang apat na mga pasahero at nagpapagaling na ngayon sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.
Dahil dito, suspendido ang flight training operations ng Topflite Academy of Aviation Inc. (TAAI) na may-ari ng eroplano.#
Photo courtesy: PNP-AvseGroup
