Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Kulungan ang bagsak ng isang estudyante matapos itong mahulihan ng mga awtoridad sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa lalawigan ng Quirino.
Batay sa ulat ng PNP Quirino kay PRO2 Regional Director PBGEN CHRISTOPHER C BIRUNG nasakote nila si alyas “Vandam”, 26 taong gulang, estudyante at residente ng Purok 5, Brgy. Quirino, Cordon, Isabela sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Cabiles St., Purok 4, Brgy. Magsaysay, Saguday, Quirino bandang 5:00 PM ngayong araw matapos itong maaktuhang magbenta ng pitong tuyong dahon ng hinihinalang marijuana sa awtoridad na nagpanggap na poseur buyer.
Nakuha sa pag-iingat at kontrol ng naturang suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.17 gramo at nagkakahalaga ng Php1,000.00, dalawang (2) bundle ng nakabalot na orange tape na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, isang (1) yunit ng huawei keypad cellular phone, isang (1) stainless knife, isang (1) simcard, isang (1) piraso Malaysian bill, dalawang (2) five hundred peso bill, walong (five hundred peso bill (boodle money), isang (1) itim na coin purse, isang (1) gray sling bag at pitong (7) pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item).
Tumatayang nasa 517.00 gramo ang timbang ng nakumpiskang marijuana at nagkakahalaga ng Php62,040.00.
Inihahanda na ng Quirino PNP ang kasong paglabag ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa naturang suspek.
Nasa kustodiya ngayon ng nasabing istasyon ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Samantala, pinuri naman ni Direktor BIRUNG ang mga awtoridad na nasa likod ng matagumpay na operasyon at pinalalahanan ang mamamayan ng Lambak ng Cagayan na umiwas sa paggamit ng illegal na droga para sa katahimikan at kaayusan ng rehiyon. “Together as one, we will attain our ultimate goal to make our region the best among the rest if we continue to cooperate with each other eradicating all kinds of illegal activities”, dagdag ng direktor.
PNP PRO2 Press Release
Photo Courtesy: PNP Region 2