Nasamsam mula sa isang estudyante sa kolehiya ang nasa mahigit P700 libo na halaga ng marijuana sa Brgy. Bulanao Centro, Tabuk City kamakailan.
Kinilala ang suspek na si alyas “Larry”, 22 taong gulang, estudyante sa kolehiyo at residente ng Purok 3, Brgy. Liwan West, Rizal, Kalinga.
Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasamahan na sina alyas “John John” at alyas “Edmar” parehong residente ng Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim na bloke ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana na may mga bunga, na may bigat na humigit-kumulang anim na kilo tinatayang nagkakahalaga ng Php720,000 at buy-bust money.
Mahaharap ang nahuling suspek at sa mga nakatakas sa kasong Artikulo II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.#