Ang mga gawang gowns ng mga taga_Isabela na designers  ay idinispley sa exhibit para raw ipakita ang malikhaing disenyo ng mga costume na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng Isabela.

Naging atraksyon ang suot na gown ng Queen Isabela 2025 na si Jarina Sandhu mula sa Cauayan City dahil sa mga korona at seda at gamit na kulay abuhing puti at pula.

Patok din sa exhibit ang gown ni Lovely Joy Viernes ng Benito Soliven na hango sa relihiyosong damit at korona.

Agaw-pansin rin ang gown ng San Manuel, Jones at dinagsa rin sa papiktyur ang gown ng Echague. 

Ang exhibit ay hakbang para bigyang-pugay ang mga designers na lokal na nagbigay-buhay sa mga natatanging likha sa lalawigan.

May mga gumamit ng akma sa kulay, materyales at kagamitan mula sa kani-kanilang mga bayan.

Pinapakita rin  daw rito na bumabangon ang lalawigan mula sa mga sunod-sunod na bagyo.#