Image courtesy: Rep. Joseph Lara's office

Namatay noong Hunyo 11 ng hapon si dating Cagayan governor at congressman Edgar Lara ng bayan ng Lasam dahil sa pneumonia, ayon sa kanyang kaanak.

Kinumpirma ni incumbent Cagayan 3rd District Rep Joseph Lara, pinsan ng kongresista, ang balita at sinabing ang namayapang si Lara, tatlong terminong dating gobernador at dalawang terminong dating kongresista, ay naging bahagi ng “vital legislative measures” na nadama sa buhay ng mga tao.”

“Bilang gobernador, naglingkod siya nang may dignidad, talento, at dedikasyon, na nagpapakita ng paggalang at pagmamalasakit sa lahat ng Cagayano,” he said in a statement.

Tinaguriang adviser at lider kahit pa noong takipsilim ng kanyang buhay, bumalik si dating Congressman Lara sa kanyang sakahan sa nayon ng Ignacio Jurado sa Lasam bukod sa kanyang pagiging abogado.

Nagtapos siya ng Bachelor of Laws degree sa Lyceum of the Philippines, undergraduate na kurso sa Unibersidad ng Pilipinas, high school sa Cagayan National High School at elementarya sa Lasam Central School.

Naglingkod siya bilang gobernador ng probinsiya mula 2001 hanggang 2007 at bilang 2nd district congressman mula 1992-2001.#