Sugatan ang mag-asawa nang madisgrasya sila sa palikong daan at mahulog ang kanilang kotse sa national road ng Sitio Salagpat, Brgy. Apatan, Pinukpuk, Kalinga kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Celestino Dong-as, driver ng Fortuner, at ang asawa nito na si Virginia.

Agad naman na rumesponde ang kapulisan sa pamumuno ni Police Executive Master Sergeant Kellyhart Awingan, hepe ng mg imbestigador sa PNP-Pinukpuk, Kalinga. Tumulong sila sa pagrescue sa nadisgrasya.

Agad silang dinala ni Alfredo Gamongan Jr., isa sa mga nakakita sa aksidente, sa Rural Health Unit ng Taga, Pinukpuk, Kalinga dahil sa mga pasa at bukol.#