Bilang pagtaguyod sa clean air initiatives ng pamahalaan, inilunsad ng SM Center Tuguegarao Downtown mall ang  electronic vehicle o e-vehicle charging station project sa parking area nito.

Kauna-unahan sa Tuguegarao City at sa Rehiyon Dos, layon nito na itaguyod ang paggamit ng e-vehicle bilang alternatibo upang makabawas sa carbon emission. Bahagi raw ito ng suporta ng SM sa  environmental protection program ng pamahalaan.

Nagpahayag ng suporta sa proyekto si Tug City Mayor Maila Ting -Que sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Councilor Tirso Mangada sa inisyatibong ito.

Naglunsad rin ng parehong  proyekto ang 38 mula sa 82 na SM Malls sa buong bansa.

Inihayag din ni Asst Mall Manager Rommel Uy ang kahandaan ng kanilang kumpanya na maglagay pa ng dagdag charging stations sa mall kapag ganap nang marami ang e-vehicles sa lungsod.

Maliban dito, inaasahan na maglalagay din ang kumpanya ng ganitong pasilidad sa iba pang SM malls sa buong bansa.#