Courtresy: RMFB2

Isang ginang ang tinaga sa ulo habang ito ay naglalaba sa Zone 2, Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Maricel, 27 taong gulang at residente sa nabanggit na lugar habang ang suspek ay pinangalanang si alyas Romeo, 32 taong gulang na residente naman sa Zone 2, Upper Magapit, Brgy Magapit, Lal-lo.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nagpabatid sa mga otoridad tungkol sa nangyaring krimen, agad naman rumesponde ang mga otoridad ngunit ng sila’y makarating sa lugar na pinangyarihan ay tumambad sakanila ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Batay sa imbestigasyon, naglalaba umano ang biktima habang ang suspek ay natutulog. At dahil sa ingay sa kanyang paligid nagising ang suspek at doon nito inundayan ng taga sa ulo ang biktima gamit ang kanyang bolo.

Isinuko ng suspek sa kanyang kapitbahay ang ginamit na bolo bago ito tumakas.

Agad nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga otoridad at matapos makipag habulan ng limang minuto ay nakorner ang suspek sa maisan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Lal-lo Municipal Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon habang sumasailalim ito sa imbestigasyon.#