Punong-abala ngayong araw ang mga opisyal at residente ng City of Ilagan, Isabela dahil sa malawakang citywide clean-up at disinfection sa lahat ng lugar upang maiwasan ang dengue at makatulong sa problema sa COVID-19 infections gayundin para maibsan ang problema sa road obstructions.
Una nang nagpalabas ng kautusan kahapon si Mayor Josemarie Diaz para sa “grand clean-up” ngayong araw.
Inaasahang malilinisan lahat ng mga pangunahin at mga sulok-sulok sa 91 na mga barangays sa siyudad.
Minomonitor naman ng mga opisyales ang paglilinis maging sa kanya-kanyang bahay ang mga residente dahil sa umiiral pa rin na pandemya.(Maria Jesusa Esteban at Jun Cuntapay)