Sa pangunguna ni First Commander, Police Lt. Col. Ruben Martinez, ang IPMFC ay muling nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Barangay Sitio Bigao, San Mariano, Isabela noong Sabado, April 15, 2023.

Sa tulong ng 201st Maneuver Company, My Brother’s Keeper-Life Coaches, mga opisyal ng nasabing Barangay, ibang miyembro ng Advocacy Group at Force Multipliers ay matagumpay namang nairaos ang Tree Planting Activity upang magbigay suporta sa National Greening Program at PNP Maka-Kalikasan Program.

Ayon pa kay Martinez, ang layunin at adhikain ng Tree Planting Activity ay upang mapanatili ang kalusugan ng kalikasan ng sa gayo’y makatulong balang araw sa mga susunod na henerasyon.

Ang Isabela Provincial Mobile Force Company ay muling nagkaroon ng aktibidad, ang Community outreach Program para sa mga former rebels at sa mga less fortunate na pamilya.