Muling nagsimula ngayong 2025 ang DA-Agribusiness & Marketing Assistance Division (AMAD) sa kanilang pagpapadala ng maititindang mga gulay at prutas upang suportahan ang mga Kadiwa ng Pangulo initiatives ng mga local na pamahalaan.
Kamakailan, inihayag ni Agribusiness & Marketing Assistance Division Chief Saih Paccarangan ng DA-Region 2 na umaabot sa halos 1,700-kilogram ng gulay ang kanilang ipinadala sa ibang ibang LGU sa rehiyon bilang bahagi ng Food Mobilization Initiative ng AMAD.
Inamin din ng AMAD Chief na m alaki rin ang maitutulong ng mga binuong councils katulad ng mango at coffee councils dahil may kakayahan silang makapaghatid ng projections ng kailangan ng kani-kanilang negosyo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng inisyal na kaalaman ang magsasaka sa kung saan ang merkado ng kanyang produkto.#