Ulat ng BH Team

Mga bumoto, dumagsa at mahabaang pila sa ibang mga presinto habang may express lane ang mga seniors, buntis at PWD sa botohan sa mga presinto sa City of Cauayan, Isabela ngayong araw, Mayo 12.

Gayunman, maayos at mapayapa ang botohan maging sa loob ng SM Cauayan mall na kung saan ay may tatlong clustered precincts sa District 2 ang isinagawa rito.

May mga nawawala ang mga pangalan sa listahan ng mga botante at di nila mahanap.

Ang mga seniors, buntis at PWD ay agad inaasikaso ng mga kasapi ng election board na nakahimpil sa presinto.

Nasa 2.35 milyon ang inaasahang boboto ngayong araw sa Lambak ng Cagayan at kabilang rito ang 1.125 milyon na mga botante ng Isabela.#