Courtesy: DOLE RO2

Sa tulong ng Department of Labor and Employment-Nueva Vizcaya Field Office (DOLE-NVFO), nakatanggap ang apat na manggagawa ng isang manufacturing company ng ₱47,776 na halaga na sumasaklaw sa wage differentials at hindi nabayarang holiday pay noong Disyembre 23, 2024 sa Kayapa, Nueva Vizcaya.

Natuklasan ang mga paglabag sa General Labor Standards (GLS) sa isang inspeksyon na isinagawa dulot ng mga reklamong isinangguni ng mga manggagawa noong 2022. Bukod dito, pinagmulta ang kumpanya ng ₱100,000 dahil sa paglabag sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).

Dahil hindi dumalo ang employer sa mga mandatory conferences at hindi naayos ang mga paglabag sa takdang panahon, naglabas ang Departamento ng Compliance Order sa kumpanya.

Upang labanan ang utos ng DOLE Region 2, inapela ng employer ang desisyon sa Secretary of Labor and Employment noong Marso 16, 2023.

Gayunpaman, ang paunang kautusan ay pinanatili noong Oktubre 10, 2023 at ang apela ay ibinasura dahil sa kakulangan ng merit.

Mahigpit na pinaaalalahanan ng resolusyon ang mga employer na igalang ang mga labor laws at unahin ang kapakanan ng kanilang mga empleyado.#