Ubos sa loob lamang ng labinlimang minuto ang higanteng Pansit Cabagan na inihanda sa Cabagan Square Park bilang bahagi ng regional food festival na pangunahing pakulo sa isang linggong pagdiriwang ng Pansi Festival sa Cabagan, Isabela kahapon.
Ang higanteng pansit ay may sukat na 12 talampakan na nakalagay sa bilog na malaking tila bilao na lamesa.
Ayon sa pamunuan ng Cabagan municipal hall, ito ay bilang pagpupugay sa umuunlad na katutubong industriya ng pansit at saganang ani ng mga magsasaka dito.
Ang Pansi Cabagan o mas palasak na Pansit Cabagan ay ang lokal na bersyon ng bayang ito ng pancit, isang ulam na gawa sa pansit, trigo man o kanin, at naging simbolo ng kultura at pamana nito, ayon sa mga opisyal dito.
Ang “Pansi” ay isang Ibanag na termino para sa pancit at itinuturing na “kumpleto” na lokal na pansit na pagkain ng mga lokal.
Tumulong ang mga taganayon at mga may-ari ng restaurant sa paghahanda ng ulam gamit ang 100-kilo ng miki, 50-kilo na baboy at isda, 200-pirasong itlog ng pugo at itlog ng manok, mga lechon kawali at mga pinaputok na balat ng baboy, hipon, tuna, squid strips at mga gulay at iba pang sangkap.#