Courtesy: DOH

Ang pahayag ng DOH ay inilabas ngayong Biyernes, Enero 3, 2025 kasunod ng mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing mayroong bagong sakit na tinatawag na Human Metapneumovirus (HMPV) mula sa bansang China.

Hindi pa nasusuri at walang sapat na ebidensya na nagsusuporta sa mga ulat ng isang bagong health threat mula sa nasabing virus, ayon pa sa DOH.

Dagdag pa ng ahensiya na aktibo silang nagsasagawa ng pagsusuri sa lahat ng impormasyon upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Binigyang-diin din ng ahensiya na bilang active member ng WHO network na sumusunod sa International Health Regulations, may established na sistema ang mga bansang konektado sa WHO pagdating sa impormasyon at pag-anunsyo ng mga isyu na may kinalaman sa pandaigdigang kalusugan.

“The Philippines through Department of Health is an active participant in the network of WHO Member States that follow the International Health Regulations. This established system is what gives reliable updates about international health concerns,” pahayag ng DOH.

“Philippine diseases surveillance system are in place and working. The DOH is actively verifying all information and will keep the Filipino public updated,” dagdag pa ng DOH. #