Larawang Kuha ni Vince Jacob Visaya

Ulat ni MA. JESUSA  A. ESTEBAN

AURORA, Isabela-Paniwala ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Aika na epektibo ang house-to-house na kampanya at outreach program sa kanyang pagbisita sa Isabela kanina, Abril 19.

“Epektibo ang in-person dahil personal na nakakausap namin ang mga tao,” aniya.

Isinagawa niya rito ang market tour sa  Cauayan City, house-to-house campaign sa Dadap, Luna at meet and greet sa women and youth members sa Sampaloc Sports Complex sa Cabatuan.

Plano daw ng nanay niya na magkaroon ng isang di-sweldong pamilya at may tatlong buwan na tulong sa mga nawalan ng trabaho para may gastusin para makahanap muli ng pagkakitaan sa pamamagitan ng Oplan Angat program.

Bumisita rin sa Aika sa Aurora at San Mateo, Isabela at pinaunlakan ang mga pakikipagpiktyur at pakikipagtalastasan ng mga kabataan, magsasaka at mga babae.#