Dalawang taon matapos ang madugong pagpaslang kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa niyang kasamahan, patuloy ang panawagan ng kanilang pamilya at tagasuporta para sa hustisya.
Sa isinagawang prayer rally sa bayan ng Aparri, taimtim na panalangin at pagsisindi ng kandila ang naging sagisag ng patuloy na paghahanap ng katarungan. Ayon kay Elizabeth Alameda, maybahay ng pinaslang na opisyal, hindi pa rin sila titigil sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang asawa at mga kasamahan nitoโJohn Duane Alameda, Ismael Nanay, Abraham Ramos, Alexander Delos Angeles, at Alvin Abelโna brutal na pinaslang sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong Pebrero 19, 2023.
Hanggang ngayon, wala pa ring naitatalang suspek o nakakasuhan kaugnay ng naturang krimen, dahilan upang patuloy ang sigaw ng mga naulila para sa katarungan.#