Home News Ika-38 anibersaryo ng ATI Region 2, ipinagdiwang sa San Mateo, Isabela

Ika-38 anibersaryo ng ATI Region 2, ipinagdiwang sa San Mateo, Isabela

0
110

Ipinagdiwang ng Agricultural Training Institute (ATI) ang kanilang ika-38 anibersaryo na may temang “Youth in Agriculture: Cultivating Innovations through Partnerships,” sa Daramuangan, San Mateo, Isabela. 

Binigyang-diin ni Rosemary G. Aquino, PhD., Regional Executive Director ng DA Regional Field Office 02, ang mahalagang papel ng kabataan sa hinaharap ng agrikultura. 

“The youth of today are not just the farmers of tomorrow, but they are the innovators, the problem solvers, and the future leaders of our agricultural sector,” ani Aquino. 

Ipinahayag din ni Aquino ang positibong resulta ng kanilang mga programa, kabilang ang EaSy Agri Scholarship Program, na nagbibigay ng edukasyon at pagsasanay sa mga kabataang nais lumahok sa sektor ng agrikultura. 

Ayon kay Jean Randinne Y. Aquino, isang EaSy Agri Scholar, ang scholarship na ito ay hindi lamang isang pinansyal na tulong kundi isang Biyaya at oportunidad na magpabago sa kanyang buhay.

Kinilala rin ang iba’t ibang katuwang ng ATI sa pagpapalakas ng agrikultura, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno (NGAs), State Universities and Colleges (SUCs), at mga lokal na pamahalaan (PLGUs at MLGUs). 

Inilunsad din sa nasabing pagtitipon ang Agri-Hacki, isang inisyatibong naglalayong isulong ang teknolohikal na inobasyon sa agrikultura.

Samantala, 13 EaSy Agri Scholar graduates ang tumanggap ng gantimpala at suporta para sa kanilang mga proyekto sa sektor. #