Higit 30 taon nang tinatamasa ng mga Ilagueño ang masarap na inatata ni Merly Baggao, isang negosyo na minana niya sa kanyang byenan.

Ang inatata, binanlay, at bibingka ni Merly ay kilala sa kakaibang lasa, isang sikreto na maingat niyang pinangangalagaan.  Ang simpleng sangkap na niyog at asukal ay siyang susi sa kanyang tagumpay. Mula sa mga dating kostumer ng kanyang byenan, lumago ang kanyang negosyo, na umaabot na sa mga malalaking establisimyento sa Ilagan. 

Malaking tulong ito sa kanyang pamilya, na nagamit niya sa pagpapaaral at pagpapaayos ng kanilang tahanan. ayon sa kanyang mamimili na ” mas masarap daw itong ginagawa ko.”

Sinubok ng pandemya ang negosyo ni Merly Baggao, ngunit ang kanyang inatata sa Ilagan ay muling bumangon dahil sa dedikasyon at sa patuloy na pagsuporta ng mga suki.

Patunay ang inatata ni Merly sa pagiging matagumpay ng isang negosyo na may dedikasyon at pagsunod sa tradisyon.  Isang matamis na pamana na patuloy na tinatamasa ng bayan ng Ilagan.

By Jesicka Antenor Media Trainee