Ulat ng Balitang Hilaga Team/Lemar Torres at Felix Cuntapay Jr.

Patuloy na nakararanas ng pagtaas sa inflation rate ang Lambak ng Cagayan patunay ang 5.3% na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region-2 para sa buwan ng Setyembre 2023 na bahagyang mataas kung ikukumpara sa 4.5% inflation rate para naman sa buwan ng Hulyo 2023 na isiniwalat sa isang punong pambalitaan kamakailan.

Lumobo na nga sa 5.3% ang total average ng inflation rate para sa buwan ng Enero hanggang Setyembre sa rehiyon ngayong taon, ayon kay Engr. Girme Bayucan, chief statistical specialist at officer-in-charge ng PSA-Region 2.

Mabagal raw na paggalaw sa mataas na presyo ng mga bilihin partikular na ang pagkain at mga non-alcoholic beverages na may kasalukuyang 11% rate at 86.6 na kabuuang share sa pangkalahatang inflation rate ang pangunahing nag ambag sa pagtaas nito.

Malaki raw ang naging epekto ng mga pangunahing bilihin dahil sa mga tumaas na presyo ng bigas, karne ng manok, isda at gulay at maging ang krudo at gasolina.#