Nagpapatuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 virus sa bansa gaya nito sa Tuguegarao City. (Jun Cuntapay)

Ulat ng BH Team

TUGUEGARAO CITY- Nasawi ang isa sa  Tuguegarao  City  sanhi ng  Covid  19.

Batay   sa  report  ng   City Health  Office, 40-anyos ang  pasyenteng  residente  ng  Barangay Caggay.

Fully  vaccinated daw  ang   pasyente  ngunit  mayroon  itong  comorbidity.

Sa  ngayon  612  na  ang  kabuuang  bilang  ng covid related death  sa  Tuguegarao.

May naidagdag  na    13   na  Covid  positive  case  sa  Lungsod  kahapon  bagaman  may  apat  na recoveries  o  gumaling.   

Naging  107  na  ang aktibong  kaso  ng  Virus sa  Tuguegarao  mula sa  97  noong  Miyerkules. #