Isang Isabeleño nag pakitang gilas sa pagkamit ng ika-anim na pwesto sa February 2025 Criminology Licensure Examination, na mayroong 91.65% na marka.
Si Alexis John Isaiah E. Medina, isang magna cum laude graduate sa Criminology mula sa Isabela State University-Echague, ang nagbigay karangalan sa lalawigan. Ibinahagi ni Medina ang kanyang sekreto sa tagumpay: ang paggawa ng kanyang makakaya at ang pagtitiwala sa Diyos. Hindi siya nag-overwork sa pagrerebyu, bagkus ay gumamit siya ng isang maayos na estratehiya. Inilarawan niya ang maagang paghahanda, sakripisyo, at matatag na pangako sa kanyang mithiin bilang mga pangunahing susi sa kanyang tagumpay.
Malaki rin ang naitulong ng panalangin sa pagbibigay sa kanya ng pag-asa at lakas. Nagsisilbi itong inspirasyon sa mga mag-aaral na nagnanais ding makamit ang tagumpay sa kanilang mga napiling larangan. Sa kanyang tagumpay, pinatunayan ni Medina ang husay ng mga Isabeleño at ang kalidad ng edukasyon sa Isabela State University.
Nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga kabataan na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap at manalig sa kanilang kakayahan.#