Photo courtesy of Kiangan MDRRMO

Ulat ng BH Team

Isang lalakeng nakuryente, pahirapan ang pagdala dahil dahil nasa liblib sa Kiangan, Ifugao kahapon.

Ayon kay Kiangan MDRRMO Annie Dumangeng, aksidenteng nakuryente ang lalake sa nakalaylay na linya ng kuryente habang nasa labas ng bahay sa Barangay Bokiawan, Kiangan, Ifugao.

Gamit ang kumot na itinali sa buho ng kawayan, tulungan ang kanyang mga kabarangay sa pagdala sa kabilang ibayo ng ilog na kung saan ay nagaabang ang sasakyan at mga kasapi ng Kiangan MDRRMO na nagdala sa kanya sa Ifugao General Hospital sa Lagawe.

Nananalangin ang mga kaanak ng nakuryente na maaayos na ang mga lumaylay na mga kuryente na nasira noong kasagsagan ng bagyo at Habagat.

Inoobserbahan ang lalake sa ospital habang inaantay ang resulta ng pagsusuri sa kanya sanhi ng electrical shocks.#