Isang milyong piso na halaga ng marijuana, sinira sa taniman sa Tinglayan, Kalinga.
Sa ulat ng PNP-Kalinga Provincial Office, natagpuan ang limang ektaryang marijuana plantation sa Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan sa pamamagitan ng mga kasapi ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan police, Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga police, PDEA Kalinga at R-PSB Team.
Dinokumento ang mga sinirang marijuana at tsaka sinunog at nag-uwi ang mga kasapi ng awtoridad ng ilang samples para sa kustodiya at pagsusuri.
Walang nakitang nagbabantay sa lugar.#