CAMP LT. ROSAURO TODA JR. CITY OF ILAGAN, Isabela- Nahaharap ang isang negosyante sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek sa pangunguna ng Cauayan Component City Police Station sa pamamagitan ng pag isyo ng Search Warrant sa Coloma Bala Extension Brgy. San Fermin Cauayan City, Isabela nitong ika- 12:45 ng hapon Abril 6, 2024.
Nadakip ng mga awtoridad si alyas”Marsing” 31 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng nabanggit na lugar.
Ang nasabing Search Warrant ay inisyo ni Hon. Reymundo L Aumentado, Executive Judge, RTC, Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga ebidensya kabilang dito ang
Isang (1) piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu at tinatayang may timbang na 0.18 gramo at nagkakahalaga ng Php1,224.00; Dalawang (2) maliit na sachet na naglalaman ng residue; Isang (1) piraso ng ng nakaselyong pakete na naglalaman ng 21 folded small aluminum foil; Isang (1) long rolled aluminum foil; Isang (1) maliit na metal scissor; Isang (1) sky travel pencil case color blue; Dalawang (2) piraso ng lighter color blue at yellow; Isang (1) piraso ng rolled unused aluminum foil; Apat (4) na piraso ng crumpled aluminum foil; Isang (1) coin purse color green-brown; Isang (1) bundle of empty small plastic sachet at Dalawang (2) piraso ng rolled aluminum foil.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka sa mga nasamsam na ebidensya sa mismong lugar ng pinangyarihan sa harap ng suspek, at Brgy.Kagawad, DOJ representative at media representative at kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan CCPS ang nasabing suspek para sa dokyumentasyon at disposisyon para sa kaukulang kaso.#