Iyan ang naging saad ng Ina ng Top 8 Bar Examination Passer na si Rio Mae Uy ng tubong Isabela na may average na 87.0582% matapos mailabas ang Bar Results noong April 14, 2023, Friday.

Ayon sa aming panayam, si Rio raw ang pangalawa sa magka kapatid at napansin ng kaniyang Ina na siya ang may pinaka naiibang ugali sa kanilang lima, sa kadahilanang bata pa lamang si Rio ay nakahiligan niya na ang magbasa ng iba’t ibang mga libro at manood ng mga debate sa TV.

Labis din ang kagalakan ng kaniyang Ama ng nalaman nito na hindi lang nakapasa si Rio sa 2022 Bar Examination, kundi isa pa siya sa 30 na naging Topnotchers sa kanilang Batch.

Sa ngayon, nagpaplano ang mag-asawang Uy na magkaroon ng Thanksgiving sa kanilang barangay upang magbigay pasasalamat sa tagumpay na nakamit ng kanilang anak.