Nakopo ni Binibining Jechris Rael Cusipag ng Barangay Linao East ang Miss Tuguegarao 2022 para talunin ang 19 iba pang mga kandidata sa grand coronation night kagabi, Agosto 16, sa CSU-Andrews campus sa lungsod.

Maayos na nasagot ni Cusipag, mag-aaral sa Cagayan State University-Carig campus at una na ring nanalo na Miss SCUAA, ang tanong hinggil sa adbokasiya niya sa pagsali sa patimpalak. Aniya, isa itong oportunidad at pamamaraan para makatulong sa tao na ipakita ang galling, talino at kahalagahan sa komunidad.

Maliban sa korona ng pagiging Miss Tuguegarao 2022, nakamit rin ni Cusipag ang halos P100,000 na premyo na kinabibilangan ng P50,000 mula sa pamahalaang lungsod at iba pang mga papremyo.

Maliban rito, nabigyan rin siya ng Trip to HongKong sa loob ng tatlong araw na may kasama pang 10,000 na pocket money.

Nakuha rin niya ang ang papremyong 300 square meter na beach front na lote sa Dodan, Aparri, Cagayan.

Pumangalawa naman si Ceidy Joyce Balubal ng Libag Norte na una nang nakakakuha ng Darling of the Press award, Best in Evening Gown at iba pa.