Buy-Bust Operation sa Zulueta Street, Purok 1, Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya

Ulat ni Jamaica Barbas

TUGUEGARAO CITY – Timbog sa buy-bust ang isang kadete at dalawa pang katao sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa isang apartment na ginawang drug den sa Zulueta Street, Purok 1, Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakailan (July 7, 2022).

Kinilala ang mga suspek na sina Limuel Valle, Aaron Joshua Sison, kapwa 21-anyos at mga residente ng nabanggit na bayan. Kabilang rin sa mga nadakip ang isang menor de edad.

Humigit kumulang limang gramo ng hinihinalang “shabu” na nagkakahalaga ng P34,000 ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Bukod pa rito, nahulihan rin ang mga ito ng mga drug paraphernalia at mga bala ng Cal. 38 at 9mm na baril.

Dinala na sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang menor de edad na sangkot sa buy-bust operation. #