Ngayong araw, Enero 07, 2025, muling binuksan ang Kadiwa ng Pangulo program sa Kapitolyo ng Cagayan.
Kabilang sa mga produktong mabibili dito ay ang mga sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto mula sa iba’t ibang local farmer at Micro, Small & Medium Enterprises (MSMEs) gaya ng petchay, talong, kalabasa, kabute, saging, ube, kamote, at iba pa.
Layunin ng programang Kadiwa ng Pangulo na ipakilala sa mga mamimili ang mga pangunahing produkto na makukuha sa mercado at upang madagdagan ang kita ng mga lokal na magsasaka, mangingisda at may-ari ng maliliit na negosyo.
Ang nasabing programa ay bukas tuwing Martes sa Capitol Grounds, Tuguegarao City, Cagayan mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.#